Nagbalik-loob kahapon ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pamahalaan kahapon.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, ang nasabing CTG supporter ay si aka Gino, 65 anyos, magsasaka, residente ng bayan ng Alcala.

Kasabay na isinuko ni aka Gino ang isa improvised 12-gauge shotgun na walang bala.

Sa salaysay ni Aka Gino, na-recruit umano siya ng miyembro ng CTG noong 1999.

Madalas umano na bumisita sa kanilang Alcala ang recruiter, kung saan nagsilbi si Gino na food runner para sa nasabing grupo sa kanilang bayan at sa Baggao.

-- ADVERTISEMENT --

Naging aktibo siya sa pagdalo sa mga pulong at lecture na tumatalakay sa mga ideolohiya ng CTG.

Noong 2008, dumalo din siya sa pagdiriwang ng anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Capacuan, Brgy. Dalaoig, Alcala.

Ayon pa sa CPPO, si Gino ay nagsilbi rin umanong messenger na tinatawag na “Pasabilis” sa loob ng CTG.

Matapos ang mga taon ng pakikilahok, nagdesisyon si Gino na boluntaryong itigil ang kanyang suporta sa CTG upang linisin ang kanyang pangalan at ipakita ang kanyang pagnanais na suportahan ang mga programa ng gobyerno.

Unang sumuko noong Feb. 8 si aka Tonyo, 50-anyos kasama ang isang improvise gauge-12 shotgun.

Ayon sa CPPO, nagsilbi si Tonyo na pasabilis.