Naaresto ang dalawang indibiduwal na may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong frustrated homicide sa isang operasyon na isinagawa sa Brgy. Alimannao, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Mar, 46 taong gulang, binata, at alyas CJ, kapwa residente ng nasabing bayan.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa pangunguna ni PCPT Leif Bernard U. Guya, Deputy Chief of Police for Administration, katuwang ang Regional Intelligence Unit 2 – PIT Cagayan South, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, at 204th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion.

Ang mga suspek ay inaresto batay sa warrant of arrest para sa kasong frustrated homicide na inilabas ng Branch 1, Second Judicial Region sa Tuguegarao City noong Hulyo 1, 2025, na may inirekomendang piyansa na ₱72,000 bawat isa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek para sa dokumentasyon bago sila i-turn over sa korte para sa karampatang proseso.

-- ADVERTISEMENT --