Tinambakan ng Dallas Mavericks ang Minnesota Timberwolves sa kanilang laro kaninang umaga sa score na 116-107 na nagbigay-daan sa Dallas para sa 3-0 stangle hold sa kanilang NBA Western Conference final.

Nakagtala sina Luka Doncic at Kyrie Irving ng 66 points para sa Dallas.

Ang pinakahuling exciting na serye na ginanap sa Dallas ay kasunod nang pagkapanalo ng Mavs sa Games 1 at 2 sa Minneapolis sa kabuuang apat na puntos.

Makukuha ng Mavericks ang kanilang unang tsansa na makuha ang series sa kanilang pag-host ng Game 4 sa Biyernes, araw sa Pilipinas.

Kapwa nakapagbuslo ng 33 points sina Doncic at Irving.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatulong din ang naibuslo ni P.J. Washington na 16 points.

Nakapagtala naman si Anthony Edwards ng 26 points para sa Minnesota, subalit hindi ito naging sapat upang mahabol ang score ng Dallas.

Ang mananalo sa series ay makakaharap ang Boston Celtics o Indiana Pacers sa NBA finals.