Umiskor si Luca Doncicng 29 points habang nakapagtala naman ng 21 points si Kyrie Irving ng Dallas Mavericks sa kanilang unang panalo laban sa Boston Celtics sa Game 4 ng NBA Finals sa score na 122-84.

Pinaghandaan nina Doncic at center Dereck Lively II ang kanilang depensa laban sa Boston sa first half ng laro sa Dallas na nagbunsod sa kanilang panalo.

Ang 38-point margin ang ikatlong pinakamalaki sa NBA Finals Game, sumunod sa panalo ng Chicago laban sa Utah Jazz sa score na 96-54 noong 1998 at ang panalo ng Celtics laban sa Los Angeles Lakers sa 131-92 noong 2008.

Leading pa rin ang Celtics sa serye 3-1, at ang Game 5 ay sa Boston sa Lunes.