Tumama ang isang magnitude 5.4 na lindol sa Dalupiri Island ngayong araw ng Linggo.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan bandang 12:38 ng tanghali, February 13.
36 kilometro ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang mga sumusunod na intensity dahil sa lindol:
Intensity V – Calayan, Cagayan
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity II – Paoay, Ilocos Norte
Instrumental Intensities naman ang naramdaman sa:
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte
Intensity II – Sinait, Ilocos Sur; PeƱablanca and Gonzaga, Cagayan
Intensity I – Vigan City, Ilocos Sur
Snabi ng Phivolcs, hindi ito magdudulot ng pinsala sa ari-arian ngunit asahang makakaranas ng aftershocks dahil sa lakas ng pagyanig.