Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol sa bahagi ng Isla ng Dalupiri na sakop ng Calayan, Cagayan bandang 2:40 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 66 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Kaugnay nito ay naitala ang Intensity V sa bahagi ng Claveria, Cagayan habang, Intensity IV naman sa Laoag City at Pasuquin sa Ilocos Norte, Gonzaga at Penablanca naman dito sa probinsay ng Cagayan.

Naranasan din ang Intensity III sa bahagi ng Vigan City at Sinait sa Ilocos Sur.

-- ADVERTISEMENT --

Wala naman umanong inaasahang pinsala ang Phivolcs ngunit posibleng magkaroon pa ng mga aftershocks matapos ang naturang lindol kaya’t pinag-iingat ang mga nasa apektadong lugar.