Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan kaninang umaga.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig 27 kilometers northwest ng isla kaninang
7:56 a.m.
Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 km.
Naradamdaman naman ang Instrumental Intensity I sa mga lungsod ng laoag at Pasuquin, Ilocos Norte.
Wala naman umanong naitalang anomang pinsala ang Calayan municipal disaster risk reduction management office bunsod ng nasabing pagyanig.
-- ADVERTISEMENT --
Gayonman, binalaan ang mga residente na maging alerto sa mga posibleng aftershocks.
Subalit, sinabi ng Phivolcs na walang inaasahan na ang aftershocks o pinsala sa mga ari-arian dahilsa nasabing lindol.