Kinumpirma ng Guinness World Records na ang dambuhalang sawa na nadiskubre sa Maros region sa Indonesia ang official na pinakamahabang wild snake na sinukat.

Ayon sa Guinness, pinag-aralan nila ang ebidensiya na nagkumpirma sa babaeng sawa ay may sukat na 23 feet and 8 inches ang haba.

Ang nasabing sawa ay nasa pangangalaga ng conservationist na si Burdi Purwanto, licensed snak handler na si Diaz Nughara at natural history photographer Radu Frentiu.

Sinabi nina Nugraha at Frentiu hinanap nila ang nasabing sawa matapos marinig na may nakakita sa nasabing ahas.

Pinangalanan nila ang sawa na Ibu Baron, o “The Baroness.”

-- ADVERTISEMENT --

Karaniwang lumalaki ang reticulated pythons mula 9 feet, 10 inches hanggang 19 feet, 2 inches.

Ang pagkakadiskubre kay Ibu Baron ay nagbigay-daan upang talakayin ang lumalalang conflict sa pagitan ng tao at ahas sa Indonesia.

Dahil sa pagkaubos ng kagubatan at natural na pagkain tulad ng baboy-ramo, napipilitan ang mga sawa na lumapit sa mga residential area, kung saan pinapatay naman sila ng mga residente dahil sa takot sa mga ito.