Humingi ng paumanhin ang isang delivery company sa isang babae matapos na madiskubre ang kanyang parcel sa kanyang hardin na kanyang binili mahigit dalawang taon na ang nakalipas.

Sinabi ni Meg Johnson, 30 years old na inabisuhan siya na nai-deliver na ang package na naglalaman ng damit noong 2022, subalit hindi niya ito nakita.

Nakita niya ang parcel sa kanyang hardin sa South Wales habang nagtatanggal siya ng mga damo.

Subalit, na-decompose at nasira na ang damit.

Naniniwala si Johnson na isinabit ng courier ang parcel sa pader ng kanyang hardin.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na nadismaya siya sa serbisyo ng nasabing courier.

Ayon sa kanya, tumawag naman siya sa courier company, subalit sinabi na delivered na ang item kaya wala na silang magagawa.

Ayon kay Johnson, nagpadala siya ng email sa CEO complaints email address ng delivery company at ang nakuha niyang tugon ay wala umano silang magagawa dahil itinatago lamang nila ang records sa loob ng tatlong buwan.

Humingi naman ng paumanin ang kumpanya kay Johnson dahil sa nasabing pangyayari.