Hindi mararanasan ang “dangerous” heat index sa alinmang bahagi ng bansa bukas ng Lunes, Marso 24, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Linggo, Enero Marso 23, 39°C ang pinakamataas na heat index ang inaasahang mararanasan sa Lunes.
Naitala ang naturang heat index sa Coron, Palawan at Hinatuan, Surigao del Sur.
Nakasailalim ang 39°C sa Extreme Caution level, dahil posible raw dito ang “heat cramps” at “heat exhaustion.”
Samantala, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C.
-- ADVERTISEMENT --