Tuguegarao City- Labis ang pasasalamat at kasiyahan ni Jacque Andrei Ramos ng Saint Paul University Philippines Tuguegarao ng mapabilang siya sa listahan ng mga topnotcher sa katatapos na 2021 Medical Technologist licensure examination.
Ayon sa kanya, tiwala sa Diyos at pag-aaral ng mabuti ang kanyang naging sandalan upang pumasa sa nasabing pagsusulit.
Hindi rin aniya nito maipaliwanag ang saya ng mapabilang siyang top 7 sa lahat ng board exam takers.
Bago nito ay marami aniya silang napagdaanang hirap at dahil na rin sa pandemya ay naging mas matagal pa ang paghihintay ng exam.
Sinabi niya na March 2020 pa sana ng isalang sila sa board exam ngunit naantala ito ng pairalin ang Enhanced Community Quarantine.
Dahil dito ay naisipan din aniyang mag-apply ng trabaho bilang nursing attendant at laboratory aide sa CVMC.
Naniniwala din si Ramos na ang pagpupursigi sa pag-abot ng pangarap ay hindi imposible kung sasabayan ito ng sipag at tiyaga.
Nabatid na siya ang panganay sa tatlong magkakapatid at ang kaniyang ama ay isang OFW habang ang ina naman ay nurse.
Nagtapos siya na 4th honors sa elementary, valedictorian sa high school at sa college naman ay cum laude.