TUGUEGARAO CITY – Naniniwala ang ginang na nagpalutang-lutang ng tatlong araw at dalawang gabi sa dagat sa Aparri,Cagayan na pinakinggan ng Panginoon ang kanyang dasal na huwag siyang hayaan na malunod at mamatay.
Ayon kay Judith Berbano,46 ng Abulug, itinuturing din niyang himala ang nangyari sa kanya na sa kabila ng malalakas na agos, alon,ulan at hangin at walang pagkain at inuming tubig ay nakaligtas siya.
Sinabi niya na nang tumaob ang sinakyan nilang bangka na mag-asawa sa ilog sa Abulug ay may kinapitan siyang maliit na round log hanggang sa makarating na siya sa dagat kung saan nasagip siya karagatang sakop ng Camiguin island.
Dito na umano niya nakuha ang isang flat na kahoy kung saan sumakay at nagdadasal na dalhin siya ng alon sa pampang.
Umaga noong July 19 nang makita siya ng mga mangingisda ng Aparri kung saan agad siyang dinala sa ospital.
Samantala,laking tuwa naman ng asawa ng ginang nang ibalita sa kanya na nahanap at buhay ang kanyang asawa