Pinabulaanan ni ex-Batangas district engineer Abelardo Calalo ang corruption charges na inihain ni Cong. Leandro Legarda Leviste sa kanyang counter-affidavit sa Batangas Provincial Prosecutor’s Office.
Ito ay sa gitna pa rin ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.
Giit nito, ang ibinabatong isyu ng panunuhol sa kanya ay mayroong ‘political agenda’.
Samantala, sinagot naman ito ni Leviste.
Aniya, tila inamin na ni Calalo na tumatanggap nga siya ng mga donasyon mula sa mga contractors.
Para mapatunayan umanong hindi niya pinagtatakpan ang mga kontraktors, hinamon ng mambabatas ang district engineer na ilantad ang mga pangalan ng mga contractors at proponents ng mga proyekto na handa pa umanong magbigay ng suporta sa kanya.