Mag-isang nagtanim si Helio da Silva, 73 anyos, isang retiradong business executive mula sa Brazil ng mahigit 41,000 na puno sa kanyang bayan sa Sao Paolo sa loob ng dalawang dekada.
Tinatawag ito ngayon na Tiquatira Linear Park, at ginawa ito ng nag-iisang tao na nagtrabaho ng walang kapaguran sa loob ng dalawang dekada upang gawing gubat ang dati ay sirang-sira na lupa.
Si da Silva na dati ay mula sa Promissao, 500 metro ang layo mula sa Sao Paolo ay isang successful business executive sa loob ng maraming taon, subalit matapos magretiro, binago niya ang nabayaan na palibot ng Tiquatira River at ginawang green oasis para sa kanyang komunidad.
Sinabi ni da Silva na gusto niyang mag-iwan ng legacy sa Sao Paolo.
Sa loob ng unang apat na taon ng kanyang epic project, mag-isa siyang nagtanim ng 5,000 puno sa isang lugar na matagal nang inabandona at kilala na madalas na puntahan ng mga drug dealers at users.
Kinilala naman ng mga mamamayan sa Sao Paolo ang nasabing lugar na kauna-unahang linear park sa kanilang lugar.
Dahil dito, lalo pa siyang ginanahan na magtanim ng native trees.
Noong 2020, nakapagtanim na si da Silva ng mahigit 25,000 na puno na may survival rate na 88 percent.
Sa bawat 12 puno, nagtanim din siya ng fruit-bearing species dahil gusto niyang maging tahanan din ito ng mga ibon at iba pang hayop.
Hindi naman siya nabigo dahil may nakita sa lugar na 45 na uri ng mga ibon.
Sinabi ni da Silva, wala siyang balak na tumigil sa pagtatanim ng mga puno at target niya na makapagtanim ng 50,000.