TUGUEGARAO CITY- Isa umanong tunay na kaibigan si dating DENR Secrtary Gina Lopez.

Sinabi ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya na ito ay dahil sa alok sa kanya ni Lopez bago siya pumanaw na tutulong sa kanilang lalawigan sa sektor ng agrikultura at eco-tourism.

Ayon kay Padilla, ang alok ay ginawa umano ni Lopez sa pamamagitan ng text message.

Kasabay nito, sinabi ni Padilla na isang kampeon ng kalikasan si Lopez dahil sa kanyang matapang na paglaban sa mining operations sa bansa.

Kabilang na dito aniya ang pagsuspindi sa operasyon ng Oceanagold Philippines Inc.noong 2017.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Padilla, ang isa sa hindi niya makakalimutan kay Lopez ay ang pagpapadala niya ng audit team sa Nueva Vizcaya para tignan ang operasyon ng nasabing minahan.

Sinabi ni Padilla na magsisilbing inspirasyon ng mga mamamayan ng Nueva Vizcaya.