
Idinawit ni dating Public Works and Highways undersecretary Roberto Bernardo ang marami pang indibidual kabilang si dating Secretary Manuel Bonoan na kabilang sa mga tumanggap ng kickbacks sa ingrastructure projects.
Sa pagpapatuloy ng Senate blue ribbon committee investigation sa mga umano’y maanomalyang flood control projects, binasa ni Bernardo ang ikalawang supplemental affidavit niya kung saan inamin niya na siya ang gumawa ng paraan para maibigay ang umano’y kickbacks para kay Senators Senators Jinggoy Estrada, Mark Villar, Education Secretary Sonny Angara, dating senator Grace Poe, dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy, San Jose del Monte Mayor Rida Robes at dating DPWH undersecretary Maria Catalina Cabral.
Unang idinawit ni Bernardo sina Senator Francis “Chiz” Escudero, dating senators Ramon “Bong” Revilla Jr. and Nancy Binay, at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa gitna ng imbestigasyon ng maanomalya at ghost flood control projects.
Sa pagdawit niya kay Revilla, sinabi ni Bernardo na siya ang naghanda ng listahan ng mga proyekto para sa dating senador na may 25 percent “commitments” o kickbacks na nagkakahalaga ng P125 million.
Dinala umano ang pera sa tahanan ni Revilla sa Bacoor Cavite at nakalagay sa anim na kahon at isang paper bag, na ang bawat isa ay naglalaman ng P20 million at P5 million sa paper bag.
Sinabi ni Bernardo na tumanggap din si Revilla ng kickbacks na nagkakahalaga ng P250 million noong Pebrero.
Iginiit din ni Bernardo na si Binay, sa pamamagitan ng kanyang staff, ay tumanggap ng commitments na 12 percent sa lang infrastructure projects noong 2022 at 2023.
Sinabi pa niya na naglaan si Bonoan ng P500 million para kay Binay sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP).










