Lumabas na mula sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) nitong Martes ng hapon si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan matapos siyang ma-discharge.

Ayon sa ulat, lulan ng ambulansya umalis si Bonoan sa ospital bandang 1:23 p.m.

Kasabay nito, kinumpirma ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kasalukuyan siyang inihahatid patungo sa Sandiganbayan.

Si Bonoan ay kabilang sa mga akusado sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa flood control projects, batay sa arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division.