
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nahaharap sa kasong plunder si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, kabilang si Bonoan sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kaugnayan din sa kasong isinampa laban kay Senator Jinggoy Estrada.
Gayunman, sinabi ni Martinez na wala pang nakatakdang iskedyul para sa preliminary investigation dahil hindi pa naia-assign ang kaso sa mga hahawak na piskal.
Sa ngayon, wala pa umanong naipapalabas na subpoena ang mga prosecutor laban sa mga respondent.
Muli namang tiniyak ng DOJ na patuloy nilang aaksyunan ang mga kasong nakahain sa kagawaran, kabilang na ang reklamong isinampa laban sa dating kalihim ng DPWH.










