
Inakusahan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo si dating Senate president Francis Escudero at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na tumanggap ng kickbakcs mula sa flood control projects.
Sinani ni Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, na kay dating Bulacan engineer Henry Alcantara nakikipagnegosasyon para sa kanyang kickbacks.
Ayon kay Bernardo, sinabi sa kanya ni Alcantara na humihingi si Co ng 25 percent commission.
Sa nasabing halaga, dalawang porsiyento ang pinaghahatian nila Alcantara.
Idinagdag pa ni Bernardo na walang palya na sinasabi sa kanya ni Alcantara kung nagdadala siya ng cash kay Co bilang tugon sa kanyang commitment.
Ayon kay Bernardo kaibigan nila ni Escudero ang campaign donor ng senador na si Maynard Ngu.
Sinabi niya na hiniling sa kanya ni Ngu na magsumite ng listahan ng mga proyekto, kabilang ang mga nasa Valenzuela at Marinduque, na kalaunan ay naidagdag sa General Appropriations Act.
Ayon kay Bernardo: “When I gave him the list and in relation to the commitment, I asked him, ‘Boss, paano to?’ Maynard replied, ‘Bahala ka na.’ I asked, ‘Boss, okay na ba ang 20 percent?’ Maynard said okay. After inclusion of the projects in the GAA, I delivered 20 percent of approximately 800 million or abut P160 million to Maynard Gnu, which was meant for Senator Escudero.”
“Ako po ay umaamin sa maling nagawa. Ako po ay hindi naging matatag at tapat sa pagpapatupad ng tungkulin na ipinagkitawala ng ating pamahalaan at sambayanan.”
Idinagdag pa niya na: “Taos puso at buong pagsisi po akong humihingi ng tawad.”