Tatakbo si dating governor Alvaro “Bong” Antonio sa pagkabise gobernador ng lalawigan ng Cagayan.
Ito ay matapos maghain ng kaniyang certificate of candidacy sa huling araw ng coc filing.
Magiging running mate niya si Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, Jr. na sasabak sa pagka-gobernador.
Sabay silang naghain ng kandidatura ni incumbent Congw. Baby Aline Vargas-Alfonso na muling tatakbo sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng Cagayan.
Nilinaw naman ni Vargas-Alfonso ang pagbawi nito sa kaniyang unang deklarasyon na pagsabak sa pagka-gobernador dahil kulang umano ang kaniyang oras sa paglilibot sa buong probinsiya kung kayat nagdesisyon ang pamilya at ang kanilang kaalyado na ituloy na ito ni Vice Gov. Vargas na mas kilala umano sa ibang Distrito at hindi lamang sa kanilang balwarte sa Segunda Distrito.
Sa kaniyang pahayag matapos maghain ng coc, binigyang diin ni Antonio na isusulong niya ang gobiernong nakikinig at may respeto sa mga tao para maibaba sa mga mamamayan ang mga serbisyo na dapat nilang matamasa.
Makakaharap niya si Gov. Manuel Mamba na naghain din kaninang umaga para sa vice gubernatorial post para maipagpatuloy niya ang kaniyang ambisyon na gawing agri industrial area ang Cagayan sa North east at South East Asia.
As of 3PM ng Octotober 8, tatlo ang naghain ng kandidatura sa pagkabise gobernador kung saan kabilang dito si incumbent 3rd district board member Leonides Fausto.
Samantalang sa gubernatorial race ay sina Dr. Sarah Lara, incumbent Vice Governor Melvin “Boy” Vargas at Ret. General Edgar Aglipay.
As of 3PM, nagsumiti rin ng kanilang coc sa huling araw ng filing ang ilang kandidato sa pagka-board member na kinabibilangan nina Redentor Sac ng unang Distrito, Rolly N Viloria (Independent), Randy A. Ursulum ng Lakas-CMD, Vilmer Y. Viloria (Lakas-CMD), Alninoson Timbas (Lakas-CMD), Jose Tayawa (Nacionalista Party) at Rachel Matillano (Nationalista Party) na pawang mula sa Segunda Distrito at Santiago Balisi ng Partido Federal ng Pilipinas mula sa ikatlong Distrito ng Cagayan.
Magtatapos mamayang alas singko ang filing ng coc.