Sinisi ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Egon Cayosa ang Supreme Court (SC) sa umanoy maling desisyon sa pamamalakad ng patylist system sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Cayosa matapos ang pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pang-aabuso umano ng mayayamang angkan o mga sikat at ginagawang legal front lamang ng makakaliwang grupo at kalaunan ay kongresman.

Ayon kay Cayosa, ang Supreme Court ang namamalakad ng batas sa bansa at malinaw na nakasaad sa constitution na ang mga dapat kumatawan sa partylist ay ang mga nasa sektor ng mahihirap na walang boses sa lipunan o under represented at hindi ang mga tradisyunal poloticians, dynasty at mga mayayamang indibidwal.

Bagamat pinuri nito ang naging pahayag ng pangulo ay sinabi niya na noong bago palamang sana siya sa panunungkulan niya ito pinuna upang maisulong pa sa kongreso ang paghahain ng petisyon o iba pang hakbang upang maituwid ang ganitong sistema dahil sa ngayon ay mahirap na itong baguhin sapagkat ang bawat congressman ay may kani-kayna nang sinusuportahang partylist.

Sinabi nito na una na itong kinuwestyon ng mga grupo o organisasyon na nag-aaply sa posisyon ngunit mali ang naging interpretasyon at desisyon ng SC kung saan iginiit na hindi kailangan na magmumula lamang sa marginalized sectors ang kakatawan sa posisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinunto niya na dahil sa ganitong sistema ay lalo lamang naaabuso ito at sinasamantala ng mga mayayaman na nais umupo sa kongreso.

Hindi rin naman aniya maaaring sisihin ang COMELEC dahil sumusunod lamang ito sa desisyon at interpretasyong ng Supreme Court at hindi nila ito maaaring balewalain.

Sa ngayon ay wala aniyang magagawa rito ang SC dahil pinal na ang desisyon maliban na lamang kung mayroong maghahain ng petisyon at magsasagawa ng mga pagdinig na makakapagpabago rito.