TUGUEGARAO CITY- Bumagsak si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos na siya ay barilin sa lungsod ng Nara.

Dalawang beses na binaril si Abe kung saan ang ikalawang putok ng baril ang tumama sa kanyang likod at siya ay bumagsak.

Sinabi ni dating Tokyo Governor Yoichi Masuzoe na si Abe ay nasa state of cardiopulmonary arrest.

Ang nasabing termino ay madalas na ginagamit bago kumpirmahin ang pagkamatay ng isang tao.

Nagtatalumpati si Abe para sa isang kandidato sa Nara nang mangyari ang pag-atake.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng mga eye witnesses na may nakita silang isang lalaki at nakarinig sila ng malalakas na putok ng baril.

Sinasabing ang unang putok ay hindi tumama subalit ang ikalawang putok ang tumama sa likod ni Abe.

Naaresto naman ang attacker na hindi naman umano tumakbo matapos ang pamamaril at kinuha ang kanyang baril.

Si Abe na pinakamatagal na nagsilbing prime minister ng Japan ay bumaba sa kanyang pwesto noong 2020 dahil sa kanyang kalusugan.

kasunod nito ay sinabi niya nakaranas siya ng relapse ng ulcerative colitis, isang intestinal disease.

Siya ay pinalitan ng kanyang malapit na party ally na si Yoshihide Suga na pinalitan naman ni Fumio Kishida.

Bihira ang insidente ng gun violence sa Japan kung saan ipinagbabawal ang handguyns at malimit din ang political violence sa nasabing bansa.

Noong 2014, mayroon lamang anim na insidente ng pagkamatay dahil sa pamamaril sa Japan kumpara sa 33, 599 sa US.

Sumasailalim sa istriktong pagsusulit at mental health tests para makabili ng baril at ang pinapayagan lamang ay shotgusn at air rifles.