Nahaharap ngayon sa kasong pagnanakaw o theft ang dating katiwala ng isang negosyante na itinuturong nagnakaw ng saku-sakong palay sa bayan ng Lasam.
Kinilala ang suspek na si Jomar Tintero, 41-anyos ng Barangay Tagao.
Sa ulat ng PNP-Lasam, gabi noong August 28 nang pinasok ng suspek ang bodega sa Barangay Tagao na pagmamay-ari ng biktimang si Antonio Capara, 58-anyos at residente sa Barangay Centro 1.
Tinangay umano ng suspek ang humigit kumulang sa sampung sako ng palay at isinakay sa kuliglig ng biktima kung saan inabandona niya ang hand tractor sa Barangay Cataliganan.
Nabisto ang suspek nang ituro ito ng tricycle driver na ginamit na sasakyan upang ibenta ang apat na sako ng palay na kinumpirma ng may-ari ng palay buying station.
Hinuli ang suspek sa kanyang tahanan na nasa kostodiya na ng pulisya.
—with reports from Bombo Efren Reyes, Jr.