
Nakiisa si dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa Via Crucis o The Way of the Cross kahapon, Good Friday, sa pamamagitan ng pagbubuhat ng krus.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Mabilog na sa kabila ng mga pangungutya dahil sa pagbubuhat niya ng krus, hindi siya pinanghinaan ng loob at patuloy niyang ginagawa ang kanyang “panata.”
Ito ang unang partisipasyon ni Mabilog sa Way of the Cross buhat nang umalis siya ng bansa noong August 2017 nang magbanta si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipapapatay siya dahil sa isa umano siyang drug protector.
Mariing pinabulaanan ni Mabilog ang mga nasabing alegasyon.
Sinabi ni Mabilog, “Today, Thank you Lord! I carry it again.”
Bilang isang Katoliko, inuugnay niya ang kanyang pananampalaya kaya nalampasan niya at kanyang pamilya ang madidilim ng bahagi ng kanilang buhay dahil sa walang tigil na pagbabanta sa kanila ni Duterte.
Sinimulan ni Mabilog ang kanyang partisipasyon sa The Way of the Cross noong 2003 sa Assumption of Our Lady Parish sa Barrio Obrero sa Good Friday.
Ayon sa kanya, sumali siya sa The Way of the Cross ng Mexican communities habang siya ay nasa exile sa Estados Unidos.
Binuhat din Mabilog ang krus sa Good Friday noong siya pa ang mayor ng Iloilo.