TUGUEGARAO CITY-Boluntaryo umanong sumuko sa PNP Apayao si dating Conner Mayor Leonardo Dangoy may kaugnayan sa pagpatay sa deputy prosecutor ng Ilagan City na si Atty. Victor Begtang, Jr. noong Hunyo ng nakalipas na taon.

Sinabi ni PSMS Isabelo Pigar, information officer ng PNP Apayao na matapos na malaman umano ni Dangoy na mayroon siyang warrant of arrest dahil sa kasong murder ay nagpasiya na sumuko kasama ang kanyang abogado noong November 16.

Ayon kay Pigar, isinampa ang kaso sa Department of Justice ng mga complainant laban kay Dangoy at sa iba pang suspect sa nasabing krimen,

Sinabi ni Pigar na nasa kustodiya pulisya sa bayan ng Luna si Dangoy habang hinihintay ang commitment order mula sa korte pra sa paglipat sa kanya sa BJMP.

Idinagdag pa Pigar na una nang nahuli ang sinasabing gunman sa lalawigan ng Kalinga habang tinutugis ang dalawa pang suspect sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na pinagbabaril-patay ng riding-in tandem si Atty. Begtang sa loob ng kanilang compound sa Conner noong JUne 23, 2021.