Nakatakdang ilabas ng International Criminal Court’s (ICC) Appeals Chamber ang desisyon nito sa apelang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit kinumpirma ng kanyang legal counsel na si Atty. Nicholas Kaufman na hindi dadalo si Duterte matapos pumirma ng waiver para isuko ang karapatan niyang humarap sa korte. Sa halip, si Kaufman na lang ang haharap para sa dating pangulo.

Sa kabila nito, matatag na hinihintay ng dating lider ang desisyon ng ICC.

Ila-livestream ang pagbabasa ng ruling mamayang alas-5:30 ng hapon, oras dito sa Pilipinas.