Hindi malabong ipatawag si dating Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa Department of Justice.

Ito’y kaugnay sa imbestigasyon hinggil sa Extra Judicial Killings na naganap sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Sa ngayon nagsasagawa na ng case build-up ang DOJ tungkol dito.

Tiniyak naman ni Justice Undersecretary Jesse Andres na magiging evidence based kung saan iko-consolidate ang mga naunang findings ng naunang binuong Task Force EJK sa report ng Quad Comm.