Naglabas nang maiksing saloobin ang forensic expert na si Dr. Raquel Fortun hinggil sa naging unang pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa pamamagitan ng X post noong Biyernes, binigyang-diin ni Fortun na imposible umanong makasuhan sa bansa ang dating Pangulong Duterte dahil umano sa mga nagtatanggol sa kaniya.
Matatandaang si Fortun ang nag-examine sa ilang mga bangkay ng biktima umano ng war on drugs ng dating Pangulo.
Ayon sa mga naging pag-aaral noon ni Fortun, napag-alamang hindi umano magkakatugma ang salaysay na inilalabas noon ng kapulisan hinggil sa kung paano raw nasawi ang mga biktima.
Matatandaang noong Marso 11, nang tuluyang maaresto si dating Pangulong Duterte sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng ICC hinggil sa kasong crime against humanity.