Tulad ng araw ng Pasko, inaasahang wala ring dalaw na pamilya ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Araw ng Bagong Taon dahil sa holiday rules ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa kanyang anak na si “Kitty,” hindi pinapayagan ang family visits tuwing Pasko at Bagong Taon.

Mayroon man umanong simpleng salu-salo ang mga detainee sa ICC, hindi niya sinabi kung sasali rito ang kanyang ama.

Mula Disyembre 12 hanggang Enero 5, naka-judicial recess ang ICC. Holiday rin sa korte ang Disyembre 25 at 26 kaya limitado ang mga pagbisita.

Sinabi ni Kitty na ang huli niyang pagbisita sa ama ay nagtapos sa panalangin. Bagama’t hindi raw ito nasa pinakamagandang kalagayan, nananatili itong matatag at kalmado.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Vice President Sara Duterte na sinamahan ni Veronica ang kanilang ama noong Disyembre 24 at nakapag-video call pa ito sa pamilya matapos ang pagbisita.

Ipinakita rin ng Bise Presidente sa mga tagasuporta sa Davao City ang video call ni Veronica upang maiparating ang mensahe ng dating pangulo ngayong Pasko.