Hinamon ng grupo ng mga dating Philippine National Police (PNP) chief ang Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) na pangalanan ang dating hepe na umano’y tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na makalabas ng bansa.
Sa isang pahayag, kinondena ng naturang grupo na pinangunahan ni Renato de Villa at Edgar Aglipay ang binitawang salita ni Pagcor senior vice president for Security and Couster Monitoring Raul Villanueva dahil ang alegasyon nito ay irresponsable umano at nakabase lang sa unvalidated information at tsismis.
Ayon sa mga dating PNP chief, ang mabigat na akusasyon na ito ay nagpapahamak at nagdudulot ng kahihiyan sa kanilang lahat na nag-alay ng serbisyo at buhay sa paglilingkod sa bayan at sa mga Pilipino.
Matatandaan na noong Sept. 17 hearing, sinabi ni Villanueva na isang dating PNP chief ang tumulong kay Guo at nasa monthly payola pa ng pinatalsik na alkalde.