Hindi umano pinayagan ng Canada na makakuha ng permanent resident status ang isang dating tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nasangkot daw sa kontrobersiyal na kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mga ulat, Hunyo 2021 umano nang dumating sa Canada ang nasabing dating pulis sa pamamagitan ng “spousal open work permit.”
Napag-alaman umano ng Canadian Federal Court na di umano’y sangkot sa “oplan tokhang” ang dating pulis.
Samantala, matatandaang noong Martes, Marso 11, 2025 nang tuluyang maaresto si dating Pangulong Duterte sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso umanong crime against humanity.