Pinuri ni Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated bar of the Philippine ang mga otoridad sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa pagbaril-patay sa isang babaeng abogado sa Digod City, Davao del Sur noong June 10.

Sinabi ni Cayosa na umaasa siya na sa pamamagitan ng pagkakahuli sa suspek na half-brother ni Atty. Eleanor Dela Peña, na sakay ng kanyang pick-up truck nang mangyari ang pamamaril na mapapagot ang salarin.

Ayon kay Cayosa, personal na kakilala niya si Dela Peña at isa umano siyang mabait at matalino na abogado.

Naniniwala si Cayosa na kung matagal na maresolba o hindi mapapanagot ang mga sangkot sa mga pagpatay sa mga nangangasiwa sa justice system sa bansa ay patuloy ang karahasan laban sa mga ito at mawawala ang tiwala ng publiko sa hustisya sa bansa.

Ayon sa kanya, may mga insidente pa ng pagpatay sa mga abogado, piskalya at mga hukom ang hindi pa nareresolba tulad na lamang ng kaso ni Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales Alzate ng Abra noong Setyembre ng 2023.

-- ADVERTISEMENT --