Isiniwalat ng staff member ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na maraming beses siyang inutusan na magdala ng “basura”, o suitcases na naglalaman ng pera kay Co at kay House Speaker Martin Romualdez, bilang bahagi nila sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Orly Guteza, dating sundalo at security consultant ni Co, ang bawat suitcase ay naglalaman ng P48 million.
Sa binasa niyang sinumpaang-salaysay sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, sinabi niya na humigit kumulang tatlong beses na siya mismo ang nagdala ng basura sa bahay ni Co sa kanyang Horizon Residence sa bahay ni Romualdez sa 42 McKinley Street, Taguig.
Idinagdag pa ni Guteza:”Mas maraming pagkakataon na nagdedeliver kami ng basura sa bahay ni Speaker Romualdez at sa bahay ni Congressman Zaldy Co dahil iba-iba kaming mga detailed na close-in, back up, at advanced party na nagkaroon ng donation.
Matatandaan na nagbitiw si Romualdez, kongresista ng Leyte at pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang House Speaker para bigyang-daan ang malayang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa flood control project scandal.
Si Co ay dating chair ng House Appropriations Committee at nasa Amerika para sa medical treatment nang magsimula ang imbestigasyon sa katiwalian sa flood control projects.