
Buhay pa si dating Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, taliwas sa mga posts sa social media na siya ay pumanaw na.
Ayon kay Katrina, anak na babae ni Enrile, naka-confine ngayon sa intensive care unit (ICU) ang kanyang ama.
Sinabi ni Katrina na hindi maganda ang kalagayan ngayon ng kanyang ama sa ICU.
Kinumpirma ito ni Katrina matapos ihayag ni Senator Jinggoy Estrada sa plenary session ng Senado na nasa ICU si Enrile dahil sa pnuemonia.
Dahil dito, nag-alay ng maikling dasal ang mga senador para kay Enrile sa kanilang sesyon, na pinangunahan ni Senator Joel Villanueva.
Isa sa pinakamatandang tao sa Pilipinas si Enrile dahil 101 years old na siya noong nakaraang February 14.
Ipinanganak si Ponce Enrile bilang Juanito Furugganan noong 14 Pebrero 1924.
Naglingkod siya bilang Kalihim ng Katarungan at bilang Ministro ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Sa huli isa rin siya sa mga naging pinuno (kasama na si Heneral Fidel V. Ramos) ng Kilusang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986 na nagpaalis kay Marcos sa kapangyarihan.
Nagpatuloy si Enrile bilang isang prominenteng politiko pagkatapos noon; at naging Pangulo ng Senado ng Pilipinas simula noong Nobyembre 2008 hanggang Hunyo 2013.
Ipinanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan, kay Petra Furagganan, anak sa labas ng isang mahirap na mangingisda.
Anak siya sa labas ni Alfonso Ponce Enrile, isang maimpluwensiya na politiko at tanyag na abogado.
Naging asawa ni Enrile si Cristina Castañer ngunit nagdiborsyo din sila.
Kaisa-isa niyang kapatid ang sikat na singer na si Armida Siguion Reyna.









