TUGUEGARAO CITY- Nakaboto na si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa bayan ng Aparri, Cagayan.
Kasama ang kanyang security ay mabilis lamang ang na nakaboto si Enrile sa precint 15 sa Barangay Centro 14 sa Aparri Elementary School.
Sinabi ni Enrile na galing siya ng bayan ng Santa Ana at pinili na bumoto sa bayan ng Aparri dahil sa naroon ang kanyang bahay at memorable sa kanya ang nasabing bayan dahil sa noong panahon ng mga hapon ay ikinulong siya tinorture siya sa nasabing bayan.
Ayon kay Enrile, sa kanyang obserbasyon ay generally peaceful ang halalan at umaasa siya na magiging ganito ang sitwasyon hanggang sa matapos ang halalan.
Ang anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile ay tumatakbong kongresista ng unang distrito ng Cagayan na sakop ang bayan ng Aparri.