Hindi totoo ang kumakalat na impormasyon na bumili si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng property at ginamit na front ang pamilya Discaya.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Ade Fajardo na syang abogado at tagapagsalita ni Romualdez.

Ayon kay Atty. Fajardo, walang basehan ang nabanggit na ulat dahil walang kaugnayan si Romualdez sa pamilya Discaya at wala syang kinalaman o kaalaman ukol sa transaksyon hinggil sa bentahan ng nabanggit na property.

Pinaalala din ni Atty. Fajardo ang sinumpaang pahayag ni Curlee Discaya sa mga pagdinig ng Senado at Kamara na hindi sya nagkaroon ng anumang klaseng direktang transaksyon kay Romualdez at posible rin na may gumagamit sa pangalan nito.

Tiniyak naman ni Atty. Fajardo na iginagalang ni Romualdez ang mga Institusyonal na proseso at nananatiling kumpiyansa na anumang imbestiasyon na patas at nakabase sa ebidensya ay magpapatunay na siya ay tama at walang kasalanan.

-- ADVERTISEMENT --