Sumuko ang isang dating tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) ngayong Hulyo 14, 2025, sa Barangay Sto. Domingo, Piat, Cagayan.
Boluntaryo ring isinuko ng indibiduwal ang kanyang homemade break-open 12-gauge shotgun na may dalawang bala bilang bahagi ng kanyang pagtalikod sa kilusan.
Naimpluwensiyahan umano siya ng mga isinagawang pulong ng CTG noong 1987 sa kanilang lugar sa Tuao, Cagayan.
Nagamat tinangka siyang i-recruit bilang armadong kasapi, naging isa lamang siyang mensahero, tagapaghatid ng impormasyon, at kolektor ng “party dues.”
Ginamit rin ng grupo ang kanilang tahanan bilang pansamantalang tuluyan ng mga rebelde.
Umalis siya sa kilusan matapos silang lumipat ng pamilya sa Sitio Sukbut, Pinukpuk, Kalinga noong 1990.
Sa tulong ng mga programa ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order No. 70 (EO-70) at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nagkaroon siya ng lakas ng loob na talikuran ang kilusan at yakapin ang pamahalaan.