Napatay sa engkwentro sa mga pulis ang lalaki na nakalista na most wanted person sa bansa na may pabuya na P1 million mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang wanted na si Corey Dickpus, 64 anyos, residente ng Poblacion, Lubuagan, Kalinga at nahaharap sa maraming kaso ng murder at frustrated murder.

Ayon sa pulisya, isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Dickpus sa Sitio Tocpao, matapos na may nagbigay ng impormasyon na nakita siya sa lugar, nang magkaroon ng labanan.

Isang pulis ang nasugatan at agad na dinala sa ospital.

Dinala rin si Dickpus sa Kalinga District Hospital subalit idineklarang siyang patay na ng umasikasong doktor ng madaling araw

-- ADVERTISEMENT --

Nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang mga awtoridad para malaman ang mga kaganapan sa nasabing insidente.

Si Dickpus ay dating lokal na opisyal ng Lubuagan, Kalinga, at nagsilbi ring vice mayor ng nasabing munisipalidad at barangay captain ng Poblacion.

Noong May 2025 elections, tumakbo siya na independeng candidate bilang vice mayor, subalit pumangatlo lamang siya.

Itinuring ng pulisya si Dickpus sa unang bahagi ng taong 2000 na most wanted ng Cordillera Administrative Region, na nahaharap sa kasong multiple murder at gunrunning.

Batay sa records ng pulisya sa nabanggit na panahon, inilarawan siyang “Robin Hood,” sa gitna ng mga ulat na tinulungan umano siya ng mga residente para maiwasan ang pag-aresto sa kanya.