Posibleng tatakbo bilang mayor ng Naga City sa Camarines Sur si dating Vice President Leni Robredo sa midterm elections sa susunod na taon.

Sinabi ni Liberal Party president at Albay Representative Edcel Lagman na sinabi sa kanya ni Robredo na tatakbo siya sa lokal na posisyon para ipagpatuloy ang mga programa ng kanyang asawa na si dating Naga Mayor at Interior Secretary Jesse Robrero, na namatay sa pagbagsak ng eroplano noong 2012.

Gayonman, nilinaw ni Lagman na nasa pagpapasiya pa rin ni Robredo kung ano ang gusto niyang gawin kung sakali na iaalok sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagiging kalihim ng Department of Education na iniwan ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi niya na hindi naman niya na inaasahan na iaalok ang posisyon kay Robredo, ngunit kung sakali na mangyayari ito, masusi nila umano itong pag-aaralan dahil oportunidad ito para sa kanya na ituloy ang pagsisilbi sa bansa.

Buhat nang magbitiw si VP Duterte, maraming supporters ni Robredo ang nag-lobby kay Pangulong Marcos na italaga siya sa DepEd.

-- ADVERTISEMENT --