TUGEUGARAO CITY-Magsasagawa ng tree planting activity ang mga day care teachers at mga miembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dito sa lungsod ng Tuguegarao sa pampang ng Pinacanauan river.
Napag-alaman kay atty. Noel Mora, head ng City Environment and Natural Resources (CENRO)-Tuguegarao, nagpaabot na umano ng intensyon ang mga day care teachers at mga miembro ng 4Ps sa lungsod sa pamamagitan ni Gng.Myrna Te, head ng City Social Welfare Development Office(CSWDO).
Ang nasabing hakbang ay pagpapakita na marami ang nagmamalasakit sa ating mga kapaligiran lalo na ang pagbabalik sa dating sitwasyon sa Pinacanauan River.
Kaugnay nito, inaayos na kung ilan ang itatanim na punong kahoy at kung saan ito itatanim sa pampang ng Pinacanauan river.
Matatandaan na una naring nagsagawa ng tree planting activity ang grupo ng mga tricycle drivers sa lungsod nitong nakalipas na araw.