Idineklara ng Malacañang ang araw na ito, April 22 na “Day of National Mourning” kaugnay sa pagpanaw ni veteran actress at National Artist foir Film at Broadcast Arts Nora Aunor.

Nakasaad sa Proclamation No. 870 na dapat na naka-half-mast ang national flag hanggang paglubog ng araw, sa lahat ng government buildings at installations sa buong bansa at sa abraod ngayong araw na ito.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proclamation noong April 21.

Kinilala ang buhay at legacy ni Aunor sa state necrological service sa Metropolitan Theater sa Manila, bago ang paghahatid sa kanya sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Namatay si Aunor dahil sa acute respiratory failure noong April 16, ayon sa kanyang anak na si Ian de Leon.

-- ADVERTISEMENT --