Nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management o DBM ang kopya ng National Expenditure Program o NEP para sa fiscal year 2025 sa House of Representative sa darating na July 29.
Kasunod ito ng pag aproba kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos sa 6.3 trillion national budget sa ginanap na 17th Cabinet meeting.
Ayon sa DBM, umabot sa 9.2 trillion ang natanggap nilang proposed budget sa kabuuan, subalit nasa 6.3 lang ang budget ceiling na inaprobahan ng Development Budget Coordination Committee o DBCC.
Dahil umano ito sa limitadong fiscal space, at ilang konsiderasyon tulad ng kahandaan ng mga programa, kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno na tumanggap ng pondo at ang kanilang expenditure directions.
Nabatid na prayoridad sa pondo ang para sa food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity at energization.