
Inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na mga miyembro ng Diehard Duterte Supporters (DDS) ang umano’y nasa likod ng bantang impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Castro, na base sa lumabas na mga report, isang mambabatas umano ang nilapitan ng mga supporters ng isang pulitiko para maisulong ang impeachment.
Pinayuhan naman ni Castro ang mga supporters ni Vice President Sara Duterte na bago magsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo ay tulungan muna nila ang kanilang idolo.
Aniya, ang impeachment ay hindi pang-media o pananakot lang dahil mas mahalagang masagot ang mga isyu laban kay VP Sara gaya ng umano’y paglustay ng milyun-milyong confidetnial funds at pagtanggap umano ng milyun-milyong pondo mula sa mga drug lords.
Idinagdag ni Castro na walang “Mary Grace Piattos” ang Pangulo at hindi nagnakaw ng pera ang Presidente.
Siya pa nga aniya ang nagpapaimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects.
Matatandaan na sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Edgar Erice, dalawang congressmen ang inaasahang mag-eendorso ng impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.
Ayon kay Erice, kabilang sa grounds ng posibleng impeachment complaint kay Marcos ay “betrayal of









