May hamon si dating Sneadora Leila De Lima kay dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko sa mga awtoridad sa gitna ng arrest order ng Kamara laban sa kanya.

Ang paghimok ni de Lima ay matapos maghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng Mamamayang Liberal party-list kung saan siya ang first nominee.

Giit ni de Lima, siya aniya ay hinarap niya ang batas kahit na gawa-gawang mga kaso ang isinampa laban sa kanya.

Sinabi pa ni De Lima na pinagdaanan niya ang buong proseso sa kabila ng masakit ito para sa kanya.

Kung walang kasalanan at itinatago si Roque dapat aniyang harapin niya ang alegasyon laban sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, sa pagkakataong ito, pinatawan ng contempt ng House quad committee si Roque at iniutos na ikulong sa Kamara sa pangalawang pagkakataon.

Nag-ugat ang ikalawang contempt order kay Roque dahil sa patuloy na hindi pagsunod nito sa subpoena ng Kamara kung saan inutusan ito na isumite ang kanyang statement of assets and liability at net worth mula 2016-2022, ang income tax returns ng kanyang asawang si Maila mula 2014-2022 at ang kani-kanilang medical certificates, ang extrajudicial settlement ng estate kasama ang tax returns ng kanyang yumaong tiyahin, at ang deed of sale na may tax returns at paglilipat ng ari-arian ng 1.8-hectare property sa Multinational Village, Parañaque na ibinenta ng kanyang pamilya.