Pinalawig pa ang deadline ng pagre-renew ng business permit sa Tuguegarao City.
Itoy matapos ipasa at aprubahan ng 8th City Council ang isang resolusyon na may layuning palawigin ang aplikasyon ng renewal ng mayor’s permit ng mga negosyo sa lungsod para sa taxable year 2021.
Ayon kay Atty Reymund Guzman, city councilor, mula sa February 28 o bukas na deadline ay mas palalawigin pa ito hanggang March 15.
Aniya, hindi sisingilin ng penalties ang mga magre-renew hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Marso.
Ang hakbang na ito ay batay sa kahilingan ni Mayor Jefferson Soriano dahil sa pagbabago ng ipinatupad na community quarantine sa lungsod nitong mga nakalipas na Linggo.
-- ADVERTISEMENT --