TUGUEGARAO CITY-Hindi lang dapat sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga at pandarambong ipataw ang parusang kamatayan.
Reaksyon ito ng isang religious group na Lord of the Nations Ministries kasabay ng pagpabor sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagsusulong ng panukalang death penalty.
Paliwanag ni Pastor Nards Bondoc, nakasaad sa lumang tipan na ang hatol na kamatayan ay ipinag-utos ng Diyos para sa mga heinous crimes tulad ng rape, murder, kidnap, at iba pa.
Sinabi ni Pastor Nards na ang naturang pamantayan ng Diyos sa kamatayan ay bilang kabayaran sa kasalanang nagawa.
-- ADVERTISEMENT --
Dagdag pa niya na binigyan ng Diyos ng otoridad ang bawat pamahalaan na magpataw ng death penalty sa karapat-dapat na tumanggap nito.