Umakyat na sa mahigit 1,600 katao ang nasawi sa magnitude 7.7 lindol na tumama sa Myanmar at Thailand nitong Biyernes.
Kasabay nito, nagsimula na rin magdatingan ang tulong mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Russia, India, Malaysia at Singapore na nagpadala ng relief supplies at personnel sa Myanmar, ang China na nagpadala na rin ng rescue team, gayundin ang India at maging ang Estados Unidos.
Kabilang sa mga napinsala sa malakas na paglindol ay ang mga gusali sa Mandalay at Naypjitaw kung saan nakatayo ang kanilang kapitolyo at bahagi rin nito ang 1,000 bed hospital na nasira.
Sa pagtaya ng US Geological Services, maaaring lumampas ng 10,000 ang death toll sa Myanmar at ang pagkalugi ay maaaring lumampas sa taunang output ng kita ng kanilang bansa.
Kabilang sa mga lubhang nasira sa 7.7 magnitude ay mga daan, gusali, tulay sa Myanmar kaya nanawagan ang heneral ng kanilang bansa ng international assistance habang patuloy ang ginagawang rescue operations sa mga apektadong lugar.