Nasa halos 400 na ang bilang ng mga taong nasawi dahil sa dengue sa gitna ng tag-ulan.

Sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), kabuoang 396 na ang namatay dahil sa sakit simula noong January 1 hanggang August 10, 2024.

Ang bilang na ito ay mas mababa kumpara sa death cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Samantala, 13,369 na kaso lamang ang naitala simula July 28 hanggang August 10, pero paliwanag ng DOH – posibleng ito ay dahil sa late consultations.

Sa pangkalahatan, umakyat na sa 150,345 dengue cases ang nai-record simula January 1 hanggang August 10.

-- ADVERTISEMENT --

Thirty-nine percent naman na mas mataas ito kumpara sa 107,953 dengue cases noong nakaraang taon sa kaparehong period.