Maghaharap sina US President Joe Biden at dating President Donald Trump sa unang televised debate para 2024 election, anomang oras mula ngayon.

Ito ang kauna-unahang pagkakatao na muling maghaharap ang dalawa matapos ang apat na taon upang subukan na hikayatin ang mga botante na iboto sila sa eleksion sa Nobyembre.

Sa debate, nakapatay ang mikropono kung hindi pa oras pa sa isang kandidato na magsalita upang mabawasan umano ang interruptions.

Sa pamamagitan ng toss coin, si Trump ang huling magsasalita sa nasabing debate na magtatagal ng 90 minutes, at si Biden ay tatayo sa kanan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maglalaban sa pagkapangulo sina Biden, isang Democrat, at ni Trump, isang Republican, matapos na matalo si Trump noong 2020.

-- ADVERTISEMENT --