Special no-working holiday, bukas December 24, ayon sa Malacañang.
Ang special non-working days ay kabilang din sa mga holidays subalit magkaiba sa regular holidays.
ito ay mga holiday na walang fixed dates, at kailangan ang proclmation upang mai-konsidera na holidays.
May 11 na special non-working holidays ngayong 2024, kabilang ang Christmas eve.
Kapag pumasok ang isang manggagawa sa trabaho sa regular holidays, nakasaad sa batas na babayaran sila ng kanilang employer ng 200 percent ng kanilang sahod sa nasabing araw.
Para sa special non-working holidays, makakatanggap ang employees ng dagdag na 30 percent.
Para sa mga hindi papasok sa regular holidays, makakatanggap pa rin ang mga manggagawa ng bayad.
Subalit sa special non-working holidays, ipatutupad ang “no work, no pay” policy, maliban lamang kung may paborableng patakaran, o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa special day.